Tuesday, December 16, 2008

Misheh at ang Filofax


[Foreword:  Once upon a time, when cellphones were still considered luxury, people (more particularly students) had organizers - more popularly known as filofaxes.  Unlike the cellphones and PDAs of today, filofaxes can be personalized to a very high degree.  One would be able to draw conclusions about one's personality almost just by looking at his/her filofax.

Aside from serving as a directory, a notebook, a scheduler and a birthday calendar, filofaxes also become repositories of various items that could fit into its pockets - post-it notes, old IDs, photos, bus tickets, etc.

One afternoon, I unearthed my old filofax, and was surprised to see a picture of myself and Sheh in one of its pockets.]

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =



Dear Misheh,

          Gaya ng ni-request mo, ipo-post ko dito yung nakita kong picture natin sa filofax ko.  Ayan. ^

          Alam mo, akala ko claro pa ang college memories ko.  Na-realize kong mali pala ako noong na-buklat ko yung LiKaS logbook, at lalo pang na-confirm ito nung na-halungkat ko yung filofax ko.  Mas marami na pala akong nalilimutan kaysa naaalala.  Ganito siguro talaga kung tumatanda na.

          One of the things I have almost forgotten is how close we were.  Nakakahiya sa sarili dahil ako, ine-expect ko na maalala ko yung ganung klaseng friendship.  Alam mo naman ako, ako yung original na emo (ugh!).  Ako yung napaka-particular sa friendship. 

          Meron pa akong mga ibang na-halungkat sa filofax ko na may kinalaman sa iyo pagkatapos natin mag-usap kagabi.  Ito o:



          Yung grad pic mo, kasama ng grad pic ng iba pa nating mga kaibigan.  Natuwa akong tingnan ang lahat na yun (nilatag ko pa nga eh - parang banig)....tapos naalala kong meron palang dedication sa likod ang grad pic.  Kaya ayun, senti mode uli ako at binasa ko isa-isa.  Medyo masaya mag-reminisce, pero medyo malungkot din dahil merong mga tao na nagbigay sa akin ng grad pic na ilang taon ko nang di man lang nakakamusta.

          Nung nag-chat tayo kahapon, binanggit mo na lahat ng sikreto ko noong college ay na-share ko na sa iyo.  Parang ayaw ko maniwala dahil hindi ko talaga maalalang ganun karami yung na-share ko sa iyo.  Pero wala akong magawa dahil yung mismong dedication sa likod ng grad pic mo, ganun ang sinasabi, hehehe. 

          Lalo akong nagulat nung nakita ko ito na nakaipit sa filofax:



          Sulat iyan na binigay mo sa akin.  Hindi ko alam kung sumulat muna ako sa iyo kaya nagbigay ka ng reply, o kung kusa ka lang na sumulat sa akin.  'Di ko rin alam kung kailan dahil walang date, pero malamang nung 4th year yan.

          Getting a letter wasn't really surprising because I do remember that giving each other letters was pretty common back then.  What surprised me was the content.  Andami din pala nating pinagdaanan.  There's stuff in there that is slowly coming back to my mind now.  Hindi lang pala kulitan at tambay yung samahan natin.  Meron ding mga muni-muni at mga diskusyunan tungkol sa buhay-buhay ng bawat isa.

          Sayang at mas pinili ko pang mag-drama at magpaka-"tragic figure" noong college.  Kung alam ko lang sana dati ang alam ko ngayon, mas pahahalagahan ko kayong mga kaibigan ko, lalo na ikaw, Misheh.  That way, I would have at least reciprocated the goodness you all have shown me.

          (At this point, before I continue, I just want to say that I've never missed college more than when I opened my old Filofax.  Parang may nabuksan din sa loob ko na hindi ko mapigilang maging sentimental .  I miss the LiKaS room, I miss the EDSA walk, I miss Abril, Macky, Jerold and Glenn.....  I miss Joe, Roy, Lissa, and Omar..... I miss the LiKaS bio majors.....and I even miss the closeted Edvic.)

          Anyway...

          Salamat Misheh, sa pakikipagkaibigang totoo at mapagpasensya sa mga kahinaan ng iba.  Maaaring katiting na lang ngayon ang naaalala ko sa pagkakaibigan natin, pero ang mahalaga ay maipaabot ko sa iyo ang aking pagkilala ng magandang nakaraan na iyon.  Walang kinalaman itong sinulat ko sa nalalapit mong kasal (Congratulations in advance nga pala.  ).  Nagkataon lang talaga.  Pero kung sa pagbasa nito ay mababawasan ang stress mo sa pre-wedding preparations, eh di mabuti

          Salamat din filofax, sa pagtago ng mga magagandang ala-ala upang aking madiskubre at muling pagyamanin. 

          (At salamat din sa Steely Dan sa pag-provide ng soundtrack habang sinusulat ko ito.)



Always,

Chito











3 comments:

  1. Sa colayco yung pic! Not at the place I thought we'd most likely have that picture taken (Rizal Mini Lib). Ayan I don't know the story of the picture anymore. LOL

    ReplyDelete
  2. Haha! I shall post the stories Chito shared with me in college in my blog!! JOX.

    Maraming salamat sa pag-alala. Mabuti nalang hindi pa masyadong digital nung panahon natin so that we can "unearth" memories literally. If it were today, archived virtual files may have just been forgotten into oblivion. :)

    Saya talaga ng college Chits. :) Natuwa ako at naalala mo kahit papano :). Salamat sa respite. Back to bridezilla(?)(more like crammer) mode muna ako lolz!

    ReplyDelete
  3. ^ Hehehe, kahit sa kasal cramming pa rin. :-D

    ReplyDelete