Dear Mang Tsito,
Kailangan ko po ang insights ng isang lalaki.
Ito po ang situation: Meron po akong kaibigang babae, may sense siyang kausap at masarap kasama. Always on the go pag niyaya sa labas, at mabait na kaibigan. Kunwari po ay best friend mo siya, at lagi mo siyang kasama simula noong nagkakilala kayo. She's perfect in all aspects.
Kaya lang, kamukha niya si Patani ng Eat Bulaga. Medyo mas maganda lang ng konti.
Tapos bigla siyang umamin ng pag-ibig sa iyo. Papatulan mo ba siya?
Lovingly yours,
broken_heart
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Dear broken_heart,
Iha, tutal nagtago ka na rin lang sa likod ng isang pseudonym, aminin mo nang and sinasabi mong kaibigan na kamukha ni Patani ay walang iba kundi ikaw.
Ngayon, dahil hiningi mo ang insights ko, ito ang masasabi ko: Sorry ka na lang at dahil sa ginawa mo, iiwasan ka na ng "best friend" mo. Bakit 'ka mo? Ano ka sinusuwerte? Umamin ka lang tapos gusto mong patulan ka na? Eh hindi ka naman kagandahan.
Bumalik tayo sa kuwento mo, pero baliktarin natin ang mga kasarian. Kunwari yung yung kamukha ni Patani ay lalaki. Sa tingin mo ba papatulan siya ng babae?
Ganito ang ugali ng tao: kung lahat ng ibang katangian ay pantay, ang pipiliin niya ang mas magandang tingnan. Ganun lang kasimple yun. Pwedeng may sense kang kausap, napakabait, masarap kasama, etc. Pero kung merong iba pang babae na ganun din tapos maganda pa, iyon ang pipiliin ng best friend mo. In mathematical terms, x + 1 > x.
Wala sa pagiging lalaki o pagiging babae ang ugaling ganyan. Nasa pagiging tao iyan.
Kaya nga nanliligaw kaming mga lalaki eh, dahil alam naming karamihan sa amin ay hindi naman kaguwapuhan. Yun lang ang paraan para magkaroon kami ng pag-asang patulan kami ng babaeng napupusuan namin.
Ngayon, kung ang reklamo mo ay hindi naman ugali ng babae ang manligaw ng lalaki, problema mo na yun. Pero garantisadong kung wala kang ibang gawing maliban sa pag-amin ng pag-ibig mo, malabong patulan ka ng best friend mo.
Lovingly yours,
Mang Tsito
photo credits:
http://www.survivorphilippines.com/index.php?option=com_content&task=view&id=67&Itemid=187
http://www.thestatesmanonline.com/images/storypics/man_silhouette.jpg
P.S. Patok ang iyong beauty sa mga banyaga, kaya kung ako sa yo, maghanap ka na lang ng Aleman o ng Pranses na iibig sa yo.
ReplyDeletebroken_heart, may magandang mungkahi ang kaibigan kong si temperamental.
ReplyDelete